Posts

Halimbawa ng pick-up lines at hugot lines

  Ano nga ba ang pick-up lines at hugot lines? Ang pick-up lines ay isang paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa isang kilala o hindi gaanong kilalang tao upang ipahayag ang iyong saloobin sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga pahayag na sadyang nakakatawag pansin. Sa mga manunuyo, ang mga pick-up lines ay ginagamit upang makapagdulot ng magandang impresyon sa babaeng sinusuyo. Ito ay maaring ipahayag sa pamamagitan iba't ibang paraan ng komunikasyon (text, chat, sulat, personal na pakikipag-usap atbp). Samantala,  Ang mga hugot lines   ay mga modernong tayutay. Ito ay mga pangungusap o mga pangungusap na nabuo mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan na kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig.  Kalimitan ito'y balbal (slang) o pang-aliw sa mga diskurso.